Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/76

From Wikisource
This page has been validated.


— 71 —

Sa China at Hapón ay di mapag-aalinlangan na ang mga tagarito ay may pakikipagkalakalan kapagkaraka dahil sa nga kasangkapang insik na dito'y nangasumpungan noong una, saka maraming katunayan na sa atin ay nagpapatotoo, gaya ng sulat ni Legaspi kay Felipe II sa España, na anya'y: "Sa dako pa roon niring aming kinatitigilan ay may malalaking pulò na pinanganganlang Luzón, at Vindoro; na pinaparoonan taon-taon ng mga insic at mga hapón, upáng mangalakal. Ang kanilang dala'y seda, lana, porselana, pabango, tansò, lata, mga kayong babarahin na may culay at iba pa. Sa pagbalie ay nagsisipag-uwi sila ng gintô, at pagkit. Ang mga tao sa dalawang pulong ito ay mga moro at pagcabili ng mga calacal ng mga insic at mga hapón ay kinacalacal naman sa iba't ibang pulò.

"Gayon din ang isang aklat ng mga insic tungcol sa pagcacalacalan na sinulat ni Chau-lu-của ó Chau Ju-cua na sa pagbangit ng tungcol sa mga lupaing ito ay sinaysay na:

“Pagca ang mga sasacyan ng mangangalacal (na insic) ay dumarating sa doongang ito (dito Sa Pilipinas) ay dumodoong sa isang dacong lual. . . . . . . na inaaring tiangihan, at doon nangangalacal ng mga calacal ng lupain. Pagcadoong ng sasacyan ay inaalayan ng capitan ang mga mandarin ng mga puting payong. Ito naman ay ginaganti ng mga mangangalacal upang