Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/60

From Wikisource
This page has been validated.
— 55 —


Ikapitong Pangkat.
----
Wikà
----

Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat ng lupain ay may maraming wika, palibhasa't “ang bilang ng pagkakapangkatpangkat ng wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan ng katalinuan ng bayánbayán.” Nguni't halos lahat ng wika rito, maliban sa wikang ita ay kagyat na wikang malayo, at ayon sa sapantaha ng halos lahat ng mananalaysay ay pawang supling ang lahat na ito sa isang matandang wika.

Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may mga aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may nasasaysay, na "noong unang pumarito ang mğa kastila ay nagsipagsama ng isang tagapagpaaninaw (6 interprete) na malayo at nákaunawaan ng niga tagarito. Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga Kapangpangan na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinanganak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng isang matanda na kayo'y mġa