Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/59

From Wikisource
This page has been validated.
— 54 —

Ang paraan ng pagbabayad ay nag-aanyaya ng mga tao ang alipin at sa harap ng panginoon at ng mga kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailangan.

Di umano'y karaniwan ding ugali ng mga Tagalog na sa oras ng kamatayan ay pinapagiging laya ng panginoon ang mga anák ng mga alipin na ipinanganak sa kanyang bahay.

At gayon din na kung ang sino mang laya ay nagkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu ng alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.