Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/46

From Wikisource
This page has been validated.
— 41 —

Pagmamanahan

Sa pagmamanahan ay hindi kailangan ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin ng namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't ang bilin ng magulang ay lubhang mahalaga, dahil sa kapanampalatayan na ang mga kalulua ng kanilang nangasirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila (basahin ang paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinungaling.

Sa katungkulan. —Ang mga anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana ng katungkulan ng magulang, ano pa't kung pangulo sa isang balangay ang magulang at mamatay ay ang panganay sa mga lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pangalawa; nguni't kung walang anak na lalaki ay mga anák na babae ang humahalili ng papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pinanununtunan ng mga anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.

Sa mga tunay na anák ng may-asawa.-Ang tunay na magkakapatid sa ama't ina ay nagsisipagmana ng magkakasindami, malibang ibigin ng