Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/45

From Wikisource
This page has been validated.
— 40 —

Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balangay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang ng isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu ng asawa't mga anák. -- Ngunit ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.

----
Pagsasamá
----

Kung ang dalawang tao ay magsamá ng tiggayong halagá upang mangalakal, at ang may hawak ng salapi ay maharang ng kampon sa di kasundong balangay ay katungkulan ng kasamá na tubusin ang naharang; ngunit kung ang pagkapahamak ay kasalanan ng may hawak ng salapi ay kailangang isauli ang salaping naparual ó kung dili ay ng mga anák. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati ng kanyang mga anák sa kasamáng dapat pagbayaran.