Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/26

From Wikisource
This page has been validated.


— 21 —

Ikaapat na Pangkat.

Dating Pamamayan ng mga Tagarito

Bago nagpuno ang mga taga Europa dito sa Kapuluang Pilipinas, ay may sarili ng paraa't ayos ng pamumumo ang mga tagarito. Ang paraa't ayos ng pamunuang ito ay di kagaya ng sa iba't ibang lupain na may isang dakilang puno pangulo na kinikilala, kundi sa bawa't pulo at lalawigan ay maraming pangulong may kanikanyang kampon at sakop na nayon-nayon at lipi-lipi. (1) anopa,t, kaparis din ng pamunuan sa España bago nangagpaka-panginoón doon ang mga Romano't Godo.

Ang bawa't pangkat ng pamahalaan ay tinatawag na isang balangay. Itong salitang balangay ay pangalan ng sasakyang-dagat na di umano'y siyang nilulanan ng mga taga Malaya sa pagparito, (basahin ang pangkat na sasakyan) at ang dami ng mga taong sakay sa bawa't isa nito ay tinatawag na isang balangay na dili iba't siyang

(1) Ang ganitong ayos ng pagkakahiwahiwalay ng pamunuan dito ay minagaling ni Rizal. Anya'y kung napasa kapangyarihan ng isang katao lamang ang pamunuan dito nang panahong yaon, at anomang bagay ay isásanguni sa isang lugar, ay magiging ma bigát sa bayan-bayán, at sa akala ko rin, dahil sa nang panahong yaon ay wala pa ritong telefono, telegrama at mga kasangkapang nagagamit sa madaling pagsasangúnian.