Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/25

From Wikisource
This page has been validated.


— 20 —

Bukod dito ay dapat ding tantoin na ang kamalayahan (maging taong gubat ó taong dagat 6 taong bayan) baga man supling sa isang lahi (sa lahing Mongol anáng mga mananalaysay) ay pangkat pangkat din, dahil sa nangamamayan hiwahiwalay sa pulo't pulo, na ang iba'y sa Sumatra, ang iba'y sa Java, ang iba'y sa Celebes at ang iba'y sa iba't ibang pulo, bukod pa sa nangatira sa kapatagan ng Malaka, at mangyare—sa pagkakapulopulo at pagkakahiwahiwalay na ito ay nagkaiba‘t iba ng kaonti: at sapagka't ang mga Tagarito, sa akala ko, ay hindi galing sa iisang angkan ng mga yaon, kundi sa iba't iba ay kaya naman iba't iba rin ang mga lipi rito, bukod pa nga sa dito ma'y nagkapulopulo at nagkahiwahiwalay pa uli.

Tungkol sa mga moro sa Magindanaw ay ma sasapantahang siyang mga huling naparito at ayon sa kapaniwalaan ngayon ay siyang mga kasabay ó kasunod ng mga taga malayang nagsipamayan sa Borneo noong dakong 1400.