— 70 —
Itatayong tulay cayaria,i, ito
catulad nang bangca at pilac na puro,
brandilla ay guintó,t, lagyan nang damasco
nang génerong tela,t, may hilo de oro,
Sa dalauang dulo,i, lagyan nang garita
at patatayuan manga de la guardia,
pauang coroneles iba,i, manga dama
sila,i, sasalubong sa hari at reina.
At mangag si hatid na tumuloy dito
maquiquipanayam hangang naririto,
houag cang magculang icao aquing bató
sa arao nang bucas pilit paririto.
At pamula dito magpa hangang tuláy
ay lagyan ng calleng sa linis ay sacdal,
mag cabilang tabi capoua tabingan
pulós na de tela,t, sadyang cariquitan.
Sa actong paglacad banda nang música
mangag tutugtugang caligaligaya,
putuca,i, gayon din mangag sipag salva
hangan sa pumanhic ang hari at reina.
Icao aquing batóng bigay nang Nuno co
susundin mong paua hingi co sa iyo,
guinanap na lahat conforme ang gusto
siya ngang nangyari sa aua ni Cristo.
Nang quinabucasa,i, ang hari at reina
ay lumacad na nga sampong manga sama,
bundóc ng Cantabro ay tinungo nila
pagdating sa tuláy sinalubong sila.