— 69 —
Ang sagót nang hari ¡oh casi co,t, sintá!
cun siya mong gusto,i, sang-ayunan quita,
siya ay gumaua nang sulat pagdaca
at capagcayari ay ipinadalá.
Ang napapalaman sa padalang sulat
comusta sa inyo guilio naming anác,
ang inyong magulang nana sa bagabag
nagtamong guinhaua dahil sa tinangap.
Ang sabi,t, pahayag nang manga soldado
bahay ninyo riya,i, sa diquit ay husto,
cami,i, paririyan dadalauin cayo
maquiquipag quita na magulang ninyo,
Sa lacad nang bouan ngayo,i, icalima
sa icapito,i, cami ay paririyan na
matangap ang sulat canilang mabasa
parang na pa Langit silang mag-asaua.
At guinanti naman ang sulat na ito
ni Jua t, ang lama,i, hintay namin cayo,
caming inyong anác guilio nang totoo
touang ualang hangan cun dalauin ninyo.
Mayari ang sulat ibinigay niya
doon sa portador saca nagbilin pa,
ang inyong sabihin sa hari at reina
naghihintay cami,t, totoong guilio na.
Nang quinagabihan quinuha ni Juan
ang ingat na bató niyang casangcapan,
at canyang hiningi na houag maliban
ang tauirang ilog lagyan mo nang tulay.