— 61 —
Liuanag nang ilao ang camuc-ha,i, arao
hagdanan ay pilac na nag niningningan,
tatlong mag-iiná,i, nagcacamamanghan
sa naquitang diquit na ualang cabagay.
Nagsipanhic sila ay nang macasaltá
nagtatacáng lubós yaong mag-iiná,
sahig at quisame ay salming lahat na
anong bahay ito,t, sa dilág ay sadyá.
Ang dingding ay pauang esmaltadong lubós
nang manga brillanteng sacdál nang alindóg,
ang salas ay pilac perlas ang calahoc
tinalo,i, dinaig cay Salomóng templos.
Sa loob nang bahay ang nangalalagay
nangapapamuti mutyáng maquiquináng,
anong bahay ito at napacainam
ualang capareho,i, na sa cabunducan.
Parang naiisban capanglauang dalá
nang bunying princesang si Doña Leonila,
sa naquitang diquít na ualang capara
ang loob at puso,i, nagtamong guinhaua.
Bagaman at cubcob nang pighati,t, lumbay
nang maquita yaong sadyang cariquitan,
naparam ang lungcót cusang nahalinhan
nang di mamagcanong galác casayahan.
At saca si Juan na canyang esposo
humingi sa canyang casangcapang bató,
ngayon din aniya,i, dito,i, ihanda mo
ang isang comidang sa putahi,i, hustó.