— 60 —
Saca sa hagdana,i, iyong patayoin
ang dalauang ásong capoua magaling,
aco,t, manga anác at esposang guilio
ay halabin cami dito cun dumating.
Nasunod na paua tanang cahilingan
nang oras na yaon na hindi naliban,
si Jua,i, bumalic at quinaon naman
manga anác niya at esposang hirang.
Ano,i, nang maquita nang sintang asaua
at dalauang anác nagtamong guinhaua,
cami po,i, totoong nag-aala-ala
baca di na muling cayo,i, magbalic pa.
Sagót na tinuŕa,i, humahanap aco
tatahanan nating mabuting puesto,
niyaya na niya,t, lacad abá tayo
sa hininging bahay sila napatungo.
Sa bahay na yao,i, nang dumating sila
hinalab pagdaca nang ásong dalaua,
manga anác niya,t, saca nang asaua
nangaguiclahana,t, loob ay nagtaca.
Si Doña Leonila na esposang hirang
namaang ang loob sa naquitang bahay,
ano,t, ito,i, bundóc gubat calauacan
dito ay may bahay sadyáng cariquitan.
Doon sa hagdanan nang dumatal sila
ang dalauang áso,i, humalobilo na,
yumapós cay Jua,t, nangag sisisalta
na pinag mamasdan anác at asaua.