Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/58

From Wikisource
This page has been validated.


— 55 —

Taghoy nang princesa ¡oh Vírgen María!
patnubayi aco,t, iyong ipag-adyá,
sa sentenciang bigay ng hari cong amá
tinatangap co po cahit ualang sala.

Sa dalauang matá ang luha,i, nunucal
sa habag na dala nang princesang mahal,
maraual cong palad na quiuahinatnan
Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

¡Oh torreng tahanan aalis na aco!
¡oh catreng hihigán paalam sa iyo!
hindi na babalic at uacás na ito
nang capós cong palad sa Españang reino.

Paalam oh balcong aquing panungauan!
¡oh sillang loclocan sa iyo,i, paalam!
ito ay uacás na,t, cayo,i, malilisan
nang saliuang palad sa Españang bayan.

At icao hagdanan paalam sa iyo
acong ualang palad sa Españang reino,
di na tutuntungan icao nang paá co
cundi ngayon lamang sa pag panaog co.

Sa iyo Ursula aco ay paalam
ang pagsasama ta ito,i, catapusán,
sa pinagdaanan cong manga cahirapan
ay para cang iná na tinataghuyan,

Ano cayang aquing igantí sa iyo
sucat maguing pála na paquinabang mo,
utang na loob co,i, malaquing totoo
nag malasaquit cang parang magulang co.