— 54 —
¡Oh sacramagestad at panginoon co
sasagot po aco,t, tinatanong ninyo,
Juan ang ngalan co at hamac na tauo
sa Visadang villa tumubo po aco.
Ang lugar na yao,i, sacop nang Portugal
ang amá,t, iná co,i, doon tumatahan,
Fabio ang amá co isang hamac lamang
iná co,i, Sofia na quinamulatan.
Sa mahal na hari na matanto ito
ipinatauag na Señor Arzobispo,
ng oras ding yaon doon sa cabildo
si Jua,t, princesa ay denesposado.
At saca ang hari agad nagpatauag
limangpuong soldado sa cabildong hayág,
ngayon di,i, magbigla na cayo,i, lumacad
ipagsama ninyo apat na mag-anac.
Sa Monte Cantabros ay dalhin ninyo
doon sila iua,t, magbalic na cayo,
mag biglang lumacad sundin ang hatol co
nang sila,i, di co na naquiquita rito.
Nang matanto yaon ng bunying princesa
na silang mag-anac itatapon palá,
naualan nang isip sampong ala-ala
sa quinalalagya,i, nalugami siya.
Calahating oras na pinag ulapan
nauala ang canyang manga caisipan,
sa aua nang Dios at Vírgeng maalam
pinagsaulan din at naliuanagan.