Umaga,t, tanghali maguing sa hapunan.
di co naquiquita na cumain icao,
icao baga,i, santong ualang cagutuman
sa iyo ay aco,i, nag cacamamanghan.
Caibigang Sanoy aco,i, hindi santo
naguing ugali na capagca bata co,
pagdating nang oras ang guinagaua co
iinom nang tubig ay busóg na aco.
¡Jesús ang uinica niyong caibigan
namamaang aco sa iyong tinuran,
¿sino caya baga sa mundong ibabao
sa tubig na lamang tauo,i, mabubuhay?
Ang sagot ni Juan aco nga amigo
sa pag inom lamang nabubuhay aco,
magaling pa icao ani Feliciano
ualang cagastahan at daig mo aco.
Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya
cusang nahiualay sa canyang casama,
at sa batóng ingat niyang encantada
doon humihingi nang pagcain niya.
Hahanap nang lugar mabuting tayuan
na uala sinomang sucat macamalay,
at cun matapos na,i, babalic na naman
sa cay Felicianong canyang caibigan.
Ganitong palagui guinagaua niya
hindi natatanto nang canyang casama,
sa laqui nang hili siya ay gumaya
nainom na lamang cung nagugutom na.