Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/36

From Wikisource
This page has been validated.


― 33 ―

Can siya,i, pacanin nang alin ma,t, sino
ay hindi cumai,t, ayao na totoo,
minicain nila,i, icao ay paano
panagót na lamang ay busóg pa aco.

Siya ay mayroong naguing caibigan
na casama sama sa gabi at arao,
saan man paroi, di naghihinalay
parang magcapatid ang pagsasamahan.

Caibigang ito,i, taga Babilonia
capoua binatang pareho ang dalua,
caya narorooi, layás sa canila
ang sabi,t, pahayag tumampo sa amá.

Mana,i, isang arao sila,i, may naranan
na maraming tauo,t, mayroong baysanan,
sila ay pumanhic ibig na matingnan
ang novio at nova na bagong quinasal.

Palibhasa,i, dati at caugalian na
tungcól casamento ay mayroong boda,
ang-nangaroroon ay niyaya sila
at pinacacain magcasamang dalua.

Ngala,i, Feliciano niyong caibigan
pagdaca,i, dumulóg na cumain naman,
si Juan ay hindi,t, totoong naayao
siya rao ay busóg ang sagot sa tanan.

At nang macacain ay napaalam na
sila,i, nag pupulong sa paglacad nila,
ani Feliciano aco,i, nag tataca
caibigang Juan cung baquit gayon ca.

JUAN TAMAD.

3