Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/6

From Wikisource
This page has been validated.


- 5 -


  Ang sa cay Maximo naman itinanong
sa pinag-aralan saan naogahantong
ang sagot ni Luis ay dalawang taon
sa quintos na hana sa naguing panahon.

  At icao Macario uica ni Maximo
anong dunong na ang napagsapit mo
para rin ni Luis na sa quintos aco
sa taon papasoc aco, i, filosopo.

  Predro cong catoto ano ang nasapit
sa pinag-aralan co,i, na sa leyes
salamat can gayon cay Maximong sulit
ay an dinating co Pachiller de Artes.

  Francisco,i, sumagot nga caibigan
are natutubar co,i, isang cabastosan
madlang mga hayop ina-alagaan
at ang catawang co,i, palagui sa parang.

  Ani Juan naman mga ini-ibig
ang natutuhan co,i, pacca pangit-pangit
magpunla ng tanim na sa mga buquid
catauan palagui sa lamig at init.

  Uica ni Maximo Juan Francisco
cabuhayan nila ay dinaramdam co
sagot ng dalava ay ualang peligro
cani na sa fraile na basagulero.

Paquibalitaan sa una ma,t, ngayon
na ang nagbubuquid at ang mga Pastor
cung may binabaril dapua,t, sa marunong
daming binibitay at itinatapon.

  Di lihim at hayag at talastas nile
na ang marurunong sibol Filipinas
Burgos at ant Gomez saca art isa pa
na taga Pandacan Jacinto Zamora.

  Ito,i, mga paring hayag na clerico
si Burgos ang siyang pinagca-pang-ulo
ano pa,t, sa tuing mag-aargumento
ay ualang magaua tanang religioso.

  Sapagca, t. sa frailong laguing hinahangad
sila ang mag cura sa boong Filipinas
na ang padre Burgos a-ayao pumayag
hangang sa España dumating ang usap.