Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/5

From Wikisource
This page has been validated.


- 4 -


  Nang na-aayos na,i, Maximo,i, nagturing
sa mga catoto na do,i, piniguing
magtindig na lahat sumama sa aquin
ang handang cacanin ay atin dulugin.

  Dito sa anyaya na magandang hanga
nitong si Maximo,i, nag si upong lahat
pagcain matapus nagtindig na lahat
ang magcacasama pumasoc ng salas.

  Nang nalilicmo na itong si Maximo
pagdac,i, nangusap sa tanang catoto
Pedrong guiniguilio Luis at Macario
Juan at Francisco ay paquingan aco.

  Itong ating ayos pagcalagay ngayon
alin and catulad si Pedro,i, tumugon
cauangqui ay pulong niyong marurunong
ibigay ang dapat na sa nagtatanong.

  Tunay ang sinabi ani Luis naman
ang gahol na isip ng maliuanagan
tugon ni Macario iyon ay catuiran
ibigay ang dapat ng di pagtalunan.

  Ani naman iyong ang matuid
ang tanang sinabi ng catotong ibig
sa labo at linao macapaglilinis
magpuno sa culang na di naglalabis.

  Si Francisco naman ang siyang sumagot
ang taong marunong ay nacalulugod
cung sacasacaling salita,i, cumapos
sa tayo ng isip nacapamumulos.

  Sa catuiran nitong limang nagsalita
ang sa cay Maximong isip ay humanga
at seca tumanong dahilan sa tua
ang tanang catoto ito ang uinica.

  Luis at Macario magsabi ang tapat
sa pinaglamayan ng pagal at puyat
pag-aaral nila,i, anong naguing palad
na quinatutuhan Macario,i, nangusap.

  Linoob ng langit at poong may capal
marami rin naman acong natutuhan
aco,i, gayon din cay Luis na tinuran
na mabilang aco sa tanan colegial.