Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/38

From Wikisource
This page has been validated.


- 37 -


   Loob ni Maximo nagtacang di hamac
dito cay Adela caniyang namalas
pagdaca,i, tinanong ay sinta cong liyag
baquit nacarating sa tahanang gubat.

   Ano ang dahilan na nangyaring bagay
na ang caparangan ay iyong linagbay
tugon ni Adela at ipagsasaysay
Maximo,i, dinguin mo nangyari sa buhay.

   Nang cayo,i, umalis cami nanga-iuan
na sa aming bahay na tinatabihan
teniente,i, dumating ng caumagahan,
maruming casama ni civil niyang caual.

   Na ipinagsama ang mabuti cong ama
at saca si inang at sampung aco pa
na ang cabagayan dahilan sa Cura
sa bunying tencite cami dinemanda.

   Dumating ng cuartel caming mag-iina
at saca ang aquing mapagpalang ama
hindi na tinanong cung ano ang sala
pinadalang agad na sa Facturia.

   Ay dumating doon ang poong ama co
sa nangyaring usap ang Cura,i, nanalo
ang nayaring hatol ay nabalitaan co
na ipinadala nila sa destierro.

   Nang maganap nila hatol ay nangyari
sa nanganyaya ng amang nag-iui
na di nalaunan dumating ang fraile
at saca hiniling co sa teniente.

   Teniente ay payag sa daquilang Cura
aco sa convento ay ipadadala,
na ang cabo guardias sa aquin sumama
siya ang tanungin mo bagay na lahat na.

   Ng marinig ito Maximo,i, nangusap
daraquilang cabo magsabi ng tapat,
sa ngalan ng Dios huag malilinsad
ang catotohanan iyong ipahayag.

   Paniualaan mo po general na sudiya
sa Curang nangyari at sa cay Adela,
nalis po ng cuartel at caming dalaua
lumacad nanga,t, convento,i, pinunta.