Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/37

From Wikisource
This page has been validated.


- 36 -


   At dito sa ating quinalaguiang gubat
na dito na tayo macatirang lahat
cayong aquing caual huag malilingat
ang iba,i, mag tanod mag bata sa puyat.

  At ng tayo,i, hindi lubos na madaya
ng mga secreta camay ng castila
na ang cazadores kahit naging lacsa
huag catacotan aco ang bahala.

  Na sapagca,t, tayo,1, nangaririto na
manga piling hirang na acuing casama
ang macacalaban natin, cung naquita
lunglungat cupcupin dagdagan ang sigla.

  Ang uica ni Pedro mabunying general
ating pag-hatiin itong ating caual
si Luis ni Macario ay magsama naman
ng manga sundalo piling matatapang.

   Sa lihim na daan sila,i, magsilagay
sa tayo,i, malayo ang iba,i, magbantay
sacaling magdaan ang macaca-auay
tayong calahatan mangagsabay-sabay.

   Paputucan sila ng catacot-tacot
saan di ang tropa nila,i, mananabog
ang general namin ay huag uudlot
saan di ang caual nila,i, macucupcop.

   Anang comandante tunay at magaling
na ang panucala ng bunying coronel
anong sagot nila sa ipinaturing
caming tanang caual naman uma-amin.

   Logod co,i, malaqui uica ni Maximo
sa lanat cong caual na manga catoto
nguni,t, pagmalasin ang tatlo catauo
babayi,t, lalaqui na ito ang tungo.

   Ang tugon ni Pedro o general namin
na di namamali ang aquing paningin
lyong naglalacad iniyong pag-uuriin
dalagang Adela at inang nag-aquin.

   Ngunit, ang lalaqui na casama nila
ay hindi co lubos na napagquilala
sacabiglaanan dumating pagdacu
tatlong naglalacad na sa harap nila.