Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/14

From Wikisource
This page has been validated.


- 13 -
  Na may mga pilac dito,i, naging tauo
na mag si pag-aral nasoc nang Colegio
carunungan nila nang mapag tanto mo
bachiller ang isa tatlo,i, filosopo.

  Caya pala,i, gayon quilos na mayabang
ang apat na iyo,i, nangag si pag-aral
manga guinoo sa Cursong tinuran
mag si lapit sila aco may tuturan.

  Nang marinig ito nang binatang apat
dumulog sa Cura sacá ng pahayag
ano ang dahilan at cami tinauag
anang fraile naman sila, i, magquimatiag.

  Sa aquin ay ano ang iniong palagay
dumulog at hindi humalic nang camay
sa gayong sinabi Máximo,i, nag saysay
ang hinihiling mo ay di na babagay.

  Na sa usap nila si Pedro,i, tumugon
sa amin huag mong hanapin ang gayón
cagalangan dapat na di na u-ucol
na di itinuro sa amin nang Lector,

  Ay ang ituro man di dapat hanapan
sa alin ma,t, sino ang gauong pag galang
basahin mo fraile ang na sa dasalan
na cami sa utos hindi na lalaban.

  Cung sa bagay cami walang gawang mali
doctrina, i, basahin doo,i, mauauari
ang ama at ina ang siyang ibunyi
na igalang larang hindi cayong pari.

  Baquit ninamasa ang cami gumalang
sa para mong fraile ano ang cabuluhan
caya't, sumagot ca anang cura naman
ay cami ang ama nang tanang binyagan.

Macario nangusap icao po,i, mag-uari
ang sinasabi mo baca namamali
cung sa sarili co di dapat magpari
cayong mga fraile dahil sa ugali.

  Cung cayo ay ama nang mga binyagan
baquit ang dalaga hangat ang ligauan
ang pag-ibig nila cung di paayunan
pinadidistierro ang mga magulang.

  Uica ni Maximo ang iniong cabagay
iyong mediquillong mga ualang malay
ibinabalità tanang binubuhay
hindi sinasabi iyong pinapatay.