This page has been validated.
Icaó ang alaga na tangi sa lahat
na ang cabagayan marami cang pilac
na cung maubos na datnan ca ng hirap
ca lalasap nang matinding saclap.
na ang cabagayan marami cang pilac
na cung maubos na datnan ca ng hirap
ca lalasap nang matinding saclap.
Na cung matapos na ang iyong yaman
icao ay hindi na namang paroronan
ipaglilihim pa sa iyo ang sugalan
dahilan na baca sila,i, mautangan.
icao ay hindi na namang paroronan
ipaglilihim pa sa iyo ang sugalan
dahilan na baca sila,i, mautangan.
Saan man sugalan cusa icaó ay lumapit
pag-uusapan ca cung icaó ay umalis
caya't, pag-ingatan ng tanang capatid
nang hindi datning ang casaquit-saquit.
pag-uusapan ca cung icaó ay umalis
caya't, pag-ingatan ng tanang capatid
nang hindi datning ang casaquit-saquit.
Ang sinalita co dapat pag-aralan
nang mga binatang may nasang magsugal
cung may munting pilac na pinupuhunan
sacali mang matalo huag nang uutang.
nang mga binatang may nasang magsugal
cung may munting pilac na pinupuhunan
sacali mang matalo huag nang uutang.
Nang marinig ito nang limang caharap
tua cay Macario ay ualang catulad
salita, i, natigil sa pagcat nangusap
itong si Maximo pang ulo sa lahat.
tua cay Macario ay ualang catulad
salita, i, natigil sa pagcat nangusap
itong si Maximo pang ulo sa lahat.
Manga catoto co cung minamagangá
pa sa patio tayo maglaró nang sipa
sa sinabing itó sumagot ang lima
sumusunod cami sa iyong anyaya.
pa sa patio tayo maglaró nang sipa
sa sinabing itó sumagot ang lima
sumusunod cami sa iyong anyaya.
Yaon na,t, lumacad itong mag catoto
sabandang simbahan doon napatungo
pag lalaró nilá ay ualang ano-ano
ang cura,i, nanaog sa caniyang convento.
sabandang simbahan doon napatungo
pag lalaró nilá ay ualang ano-ano
ang cura,i, nanaog sa caniyang convento.
At sacá lumagay sa pintó tumayó
minamasdan niya yong naglalaró
si Juan ni Francisco naman ay lumayó
na ang pag sisipa nilá ay nahintó.
minamasdan niya yong naglalaró
si Juan ni Francisco naman ay lumayó
na ang pag sisipa nilá ay nahintó.
Dalaua,i, lumayó lumapit pagdaca
humalic nang camay sa daquilang cura
dapuat yong apat na casama nila
hindi cumiquibó at nangagtataua.
humalic nang camay sa daquilang cura
dapuat yong apat na casama nila
hindi cumiquibó at nangagtataua.
Curang nagmamalas nagusap pag cuan
dito sa dalauang nagbigay nang galang
ang calaró ninyo mg̃a taga saán
tagarito fraile ang sagot ni Juan.
dito sa dalauang nagbigay nang galang
ang calaró ninyo mg̃a taga saán
tagarito fraile ang sagot ni Juan.