Jump to content

Unang Damdamin

From Wikisource
Unang Damdamin (1915)
by Pascual de Leon
300825Unang Damdamin1915Pascual de Leon

I.
Bathala ng̃ ganda! Hindi kailang̃ang
sa aki’y magtaka sakaling alayan
ng̃ paos na tinig ng̃ aking kundiman,
pagka’t alam mo nang diwata kang tunay.

II.
Ikaw ang pumukaw sa aking panulat
upang maawit ko ang yumi mong ing̃at,
ikaw ang sa aking kalupi ng̃ palad
ay unang nagtitik ng̃ isang pang̃arap.

III.
Ipagpatawad mong sa iyo’y sabihing
ikaw ang bathalang pumukaw sa akin,
ikaw ang nagbukas sa aking damdamin
ng̃ lihim at unang pinto ng̃ paggiliw.

IV.
Kundi kasalanan ang gawang tumang̃is
ay ibilang mo nang kita’y iniibig
at kung ang luhog ko’y iyong ikagalit
ay ibibilang kong isang panaginip.


This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
  • It is an anonymous or pseudonymous work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is an audiovisual or photographic work and 50 years have passed since the year of its publication
  • It is a work of applied art and 25 years have passed since the year of its publication
  • It is another kind of work, and 50 years have passed since the year of death of the author (or last-surviving author)