Jump to content

UST Baybayin Document A (1613)

From Wikisource
UST Baybayin Document A (1613)
Doña Catalina Baycan
331210UST Baybayin Document A1613Doña Catalina Baycan


ᜐᜓᜎ ᜶ ᜐᜎᜓᜉ ᜶ ᜈᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜀᜌᜒᜌ ᜶ —ᜉᜒᜆᜒᜉᜓᜏᜓᜐᜓᜎᜉᜒ

ϒ̶ ᜐᜊᜌ ᜶ ᜈᜆᜓᜇᜓ ᜶ ᜐᜁᜃᜎᜊᜒᜎᜒᜋᜀᜇ ᜶ ᜈᜊᜓᜏ ᜈᜉᜒᜊᜒᜇᜓ ᜶ ᜐᜆᜂ ᜶ ᜐᜎᜒᜊᜓᜀᜈᜒ ᜶ ᜈᜇᜀᜆᜂ ᜶ ᜀᜎ ᜊᜒᜆᜎᜓ ᜶ ᜆᜂ ᜶ ᜀᜃᜓᜐᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜶ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜋ ᜄᜒᜈᜓᜂ ᜶ ᜐᜆᜓᜇᜓ ᜶ ᜀᜃᜓᜋᜎᜓᜉ ᜶ ᜋᜅᜃᜊᜑᜄᜒᜃᜓ ᜶ ᜐ ᜃᜉᜆᜒᜃᜓ ᜃᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜐᜒᜐᜒᜌ ᜶ ᜁᜉᜒᜈᜊᜒᜎᜒᜃᜓ᜶ ᜃᜇᜓᜀᜇᜎᜒ ᜶ ᜃᜉᜒᜁ ᜶ ᜆᜄᜇᜒᜎ ᜶ ᜈᜉᜒᜆᜓᜉᜓᜏᜓ ᜶ ᜐᜎᜉᜒ ᜶ ᜀᜄᜈᜃᜑᜆᜒ ᜶ ᜈᜒᜂᜆᜓᜊᜒᜄ ᜶ ᜌᜂ ᜶ ᜀ ᜆᜒᜉᜈᜋᜒ ᜶ ᜈᜒᜇᜓᜀᜇᜎᜒ ᜶ ᜉᜒᜁ ᜶ ᜀᜃᜓᜁᜆᜓᜎᜓᜉ ᜁᜆᜓ ᜶ ᜋᜃᜂᜐ ᜶ ᜀᜐᜒᜌᜋᜊᜊᜌ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜌ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜀᜃᜓᜇᜒᜌ ᜶ ᜀᜐᜎᜉᜒᜉᜒᜆᜓ ᜉᜓᜏᜓ ᜶ ᜐᜒᜌ ᜶ ᜁᜐᜐᜂᜎᜒ ᜶ ᜃᜇᜓᜀᜇᜎᜒᜉᜒᜁ ᜀᜌᜂ ᜶ ᜎᜓᜉ ᜶ ᜋᜂᜂᜏᜒ ᜶ ᜃᜇᜓᜌ ᜶ ᜃᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒᜃ ᜶ ᜈᜄᜈᜃᜑᜆᜒ ᜶ ᜈᜆᜓᜊᜒᜄ ᜶ ᜈᜁᜉᜒᜈ ᜊᜒᜎᜒᜃᜓ ᜶ ᜀᜉᜃᜆᜓᜆᜓᜂ ᜶ ᜀᜐᜐᜒᜈᜋᜒᜈᜒᜆᜓ ᜀᜋᜒᜆᜒᜉ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜀᜄᜓᜆᜒ ᜶ ᜃᜐᜓ ᜶ ᜐᜒᜇᜓᜌ ᜶ ᜋᜇᜒ ᜌ ᜶ ᜄᜒᜆᜓᜁᜈᜋᜀᜐᜏ ᜶ ᜀᜃᜓᜈᜉᜒᜋ ᜶ ᜈᜅ ᜎᜃᜓ ᜶ ᜐᜉᜓᜈᜋᜅᜐᜐᜒ ᜶ ᜀᜃᜓᜐᜓᜋᜓᜎ ᜶ ᜎᜓᜏᜒ ᜉᜂᜇᜆ 

ᜇᜓᜌᜋᜇᜓᜌ
ᜄᜒᜆᜓ

ᜇᜓᜌ ᜶ ᜃ
ᜆᜎᜒᜈ ᜊᜌᜒ
 

ᜀᜃᜓᜐᜓᜋᜓ
 ᜶ ᜎᜓᜁᜉ
ᜂᜇᜆ ᜶ —

ᜇᜓᜀᜄᜓ
ᜃᜐᜓ

Transliteration

[edit]

Sulat sa lupa ni Doña Catalina Baycan — pitong puong salapi.

Sa bayan ng Tondo, sa ikalabing-limang araw ng buwan ng Febrero, sa taong sanlibo't anim na raang taon at labing tatlong taon: Ako si Doña Catalina Baycan, maginoo sa Tondo. Ako’y may lupa, mga kabahagi ko sa kapatid ko, kay Doña Cecilia. Ipinagbili ko kay Don Andrés Capiit, taga-Dilao, ng pitong puong salapi ang ganang-kahati nitong tubigang yaon. Ang tipan namin ni Don Andrés Piit ay kung itong lupang ito’y magkausap, ang siyang magbabayad si Doña Catalina Baycan; at kung diyan, ang salaping pitong puo’y siyang isasauli kay Don Andrés Piit, at yaong lupa’y mauuwi kay Doña Catalina Baycan na ganang-kahati ng tubigan na ipinagbili ko. Ang pagkatotoo at saksi namin nitong aming tipan si Don Agustín Casso, si Doña María Guintoin na mag-asawa. Ako’y nagfirma ng ngalan ko sampon ng mga saksi. Ako'y sungmulat, Luis Pagondatan.

Doña María Guinto. Doña Catalina Baycan. Ako'y sungmulat, Luis Pagondatan. Don Agustín Casso.

See also

[edit]


This work was published before January 1, 1930, and is in the public domain worldwide because the author died at least 100 years ago.