Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/9

From Wikisource
This page has been proofread.


—6—

Isa pa sa roon ang aquing pag-sinta
sa cay Sigesmundo natatalaga na
nang maringig ito nang naturang ama
manga cagalita,i, ualang macapara.

Tacsil saan ca cumuha nang alam
sa gauang pagsinta naquipagtipanan
cundi mo calaguin ang pinag-usapan
masama ang iyo na casasapitan.

Caya mula ngayon magsamantala ca
tadhana co ito di na mag-iiba
na hangang may arao ay pagcacalooban ca
na magcapag-isip nang lalong maganda.

Nang masabi yaon ang ama,i. umalis
at si Policena naiuan sa hapis
nagcataon naman ay siyang pagpanhic
nitong Sigesmundo saclao nang pag-ibig.

Naualan nang loob dahil sa naquita
ang bunying Duquesa may luha ang mata
ani Sigesmundo casi co,t, sinta
ano ang dahilan nagcacaganian ca.

Ang cay Policenang sagot na tinuran
guilio co ay dahil sa ama cong mahal
sinta ni Peleno ang ibiguin co rao
ialis sa iyo ang pag-iibigan.

Paano ang sagot mo ani Sigesmundo
pinagcayarian ninyo nang ama mo
ualang ibang bagay anitong cayunĝo
pag-ibig co ay tunay ay nasa sa iyo.

Sa sagot cong yaon nagalit si ama
di rao mangyayari ang aquing pagsinta
loob co,i, sumamá at dinatnan mo pa
luha co,i, nanagos sa dalauang mata.