Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/7

From Wikisource
This page has been proofread.


—4—

Matibay na cuta na naguing tipanan
na di mababaclas nang sino,t, alin man
siyang naguing lason na pinangalingan
sanhi cay Peleno na pinagdusahan.

Na sa toui-touinang siya,i, magdudulot
nang manga pag-ibig-sa duquesang bantog
Principe aniya ang isinasagot
cun sa ganang aquin houag nang mapagod.

Sapagca.t, ang iyong dulot na pag-big
huli na,t, uala nang tatamubing langit
tugon ni Peleno icao ay mag-isip
dini sa lagay co na cahapis-hapis

Ang talastasin mo aco ang Principe
erederong tunay Haring hahalili
ang buhay mong ingat hindi mo sarili
sa aquin ay ualang macapangyayari.

Houag magcagayon tugon nang duquesa
mahal na Principe mag-isip ca muna
na cun Hari ca ma,i, may Hari pang iba
lalalo sa iyo na magpaparusa.

Principe ay nalis nang ito.i, maringig
di na napaalam dahilan sa galit
nagtuluyan siyang sa Palacio,i, nanhic
sinabi sa ama ang napagsapit.

At nang matalastas ang lahat nang bagay
nangyari sa anae ang ama,i, nagsaysay
bunso co Peleno houag malulumbay
aeo ang bahala sa lahat nang bagay.

Cami mag-uusap nang caniyang ama
na pipiiitin cong cayo,i, mag-asaua
sa lahat nang bagay cun papayag sila
sa iyo isasalin ang Cetro,t, Corona.