Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/5

From Wikisource
This page has been proofread.
—2—

Na ang sinimulan buhat sa Albania
ang Haring Eleno hayag na Monarca
at saca ang Reina mahal na Esposa
Arminda ang tauag na ualang capara.

Sabihin ang diquit nang pagsusunuran
nitong mag-asaua na magandang asal
at caya nahayag sa Reino,i, natanghal
ang tanang vasallos ay nagpipitagan.

Mundo,i, talastas na ang anomang sarap
nang pagsusunuran may maguiguing pintas
dahilan sa Hari ang puso,i, nabihag
nang tunay na dama nang Reinang marilag.

Dapoua,t, sa gayon nama,i, naguing taning
na pinag-usapan nilang tutuparin
pinunlang pagsinta,i, na cun magcasupling
sa maguiguing bunga,i, erederong susundin.

Ang bagay na yaon guinanap na pilit
Har ay pumayag dahil sa pag-ibig
sa magcagayo,i, talaga nang langit
ang dama,t, Reina,i, sabay na nagbuntis.

Dumating ang arao nang capanganacan
nagdaang hinusay ang Reinang marangal
at saca ang dama nang quinabucasan
niloob nang Dios ay nanganac naman.

Na isang hiuaga na cataca-taca
capoua lalaqui naguing anac nila
sa magcagayon ang bunying Monarca
cusang pinag-isip ang gagauin niya.

Yaong naguing bunga ng Reinang mariquit
ang napa sa dama na ipinaquipquip
ang anac nang dama,i, siyang ipinalit
na napa sa Reinang ualang casing diquit.