Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/22

From Wikisource
This page has been proofread.


—19—

Manga soldados co cayo,i, magsiilag
at aco,i, bayaan dito sa nagsucab
siyang mamahalang magbigay pahirap
sa pag-aba niya sa mahal cong anac.

Nang macaalis na ang pinagbaualan
ang Reina,i, nangusap na nagpacarahan
Sigesmundong bunso mangyaring paquingan
ang sasabihin co sa iyo,t, tuturan.

Icao ay magtago at mangilag muna
dahilan sa galit nang Hari mong ama
ani Sigesmundo lalo co pang dusa
na cún maiuan co ay si Policena.

Sa pag-ayon baga nang Reina naman
houag cang mahapis at aco ang siyang
bahalang mag-ampon na magtatangcacal
sa lahat nang iyo na casasapitan.

Caya hayo cana at icao iligtas
nang Dios sa madlang pangamba,t, hirap
Sigesmundo,i, nalis yao na,t, lumacad
saca si Escaño na catoto,t, liyag.

Yaong cabunducan ang siyang pinunta
pumasoc sa isang mariquit na Cueva
ang dinatnan doon ay nag si pangamba
yaong madlang hayop napaui ang sigla.

Nagtumira roon na di nagcuculang
sila nang cacanin at anomang bagay
at sa arao-arao sila,i, dinadalhan
yaong manga hayop parang nagbibigay.

Baga ma,t, guinhaua yaong pagcatira
itong Sigesmundo,i, lipos din nang dusa
pagca,t, palagui nang inaala-ala
pag-ibig na tunay sa cay Policena.
1