Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/20

From Wikisource
This page has been proofread.


—17—

Isa pa sa roon na ang sabihin mo
na cami mag-usap at siya.i, parito
pagdaca,i, sumunod itong si Eduardo
at eay Sigesmundo siya,i, napatungo.

Nang dumating doon binucsan pagdaca
ang na sa bandejang regalong padala
isang batang patay hindi maquilala
nagtalo ang isip sampong ala-aia.

Ani Sigesmundo.i, Eduardo ay ano
na idinulot mong sa aqui,i, regalo
para matalastas ngayon sabihin mo
yaong cabagayan nang mapagtanto co.

Tugon nang causap aeo,i, ualang malay
ang lahat nang yaong manga bagay-bagay
para maalaman mo ieao po,i, maglacbay
sa inyong capatid siyang magsasaysay.

Hindi mo talastas uica ni Peleno
yaong batang patay padala sa iyo
sa cay Policena yaon ang anac mo
nang mapagquilala ngayo,i, pinatay co.

Ani Sigesmuado ay uala sa aquin
loob na masama at pauang magaling
tugon nang sucaban sa para mong tacsil
na hindi nga marapat na iyong damdamin.

Pagca palibhasa icao ay ualang hiya
ualang caramdaman at ualang halata
talastas mo aco,i, doon nahahanda
sa cay Policenang aquing minumutia.

At hayag sa inyo ang aming tipanan
at natatalagang cami pacacasal
ama co at eaniyang aniang minamahal
siyang nagcayari nang lahat na bagay.


SIGESMUNDO, 2