Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/18

From Wikisource
This page has been proofread.


—15—


Dahilan sa muc-ha parang isang rosas
nang una at ngayon cun baquit cumupas
siya,i, nanaog na sa galit na hauac
saca cay Eduardo,i, siya,i, nagpahayag.

Ang nangyaring ito ay hindi magaling
ang cay Sigesmundong guinaua sa aquin
na may panahon ding arao na darating
na pagbabayaran nang lilo at tacsil.

Ang naguing origin yaong munting bata
na inhabilin nang lilo,t, cuhila
nang babaing souail aco ang bahala
Eduardo,i, ngayon din lumacad cang bigla.

Ang inilagac mo doon cay Camilo
cunin sa caniya at dalhin mo rito
aquing papatain ipadadala co
sa sucab na lilo na cay Sigesmundo.

Caya hayo cana at icao ay lumacad
ngayon din dumating houag mapabucas
itong si Eduardo nama,i, nanğusap
sa sarili niya gayon ang pahayag.

Hangang maguing tauo buhat pagcabata
ang nilacaran cong panahong mahaba
ay hindi pa aco na nacaunaua
nang tauong nag-isip nang ganitong sama.

Anong sala caya, nitong ualang malay
at di pa talastas ang anomang bagay
baquit pipilitin cayang iraramay
sa isang may sala di cahalay-halay.

Lalacad na aco at aquing susundin
pagca,t, siya,i, punong nag-utos sa aquin
cun naroroon na ay pag-iisipin
aco ang bahala nang aquing gagauin.
'