Jump to content

Page:Salita at buhay na pinagdaanan ni Sigesmundo at ng duquesa Policena.pdf/12

From Wikisource
This page has been proofread.


—9—

Caya hayo cana at aco ang may atas
magsabi sa iyong general na sucab
pagod ninyo,t, sampong pinuhunang hirap
ang aquing espada siyang ibabayad.

Ang tugon nang moro cun gayon paalam
sa iyo ó E eno icao,i, manghinayang
ang casasapitan nang lahat mong caual
sa dugo,i, lulubog at doo,i, lulutang.

Moro,i, umalis na sinabi ang dahil
ang pinag-usapan sa cay Abderamin
at nang matalastas pagdaca,i, nagturing
magsilacad tayo Albania,i, cubcubin.

Caya,t, ang biling co manga aquing campon
lusubin ang Reino at houag humantong
Brabonel ihanda ang lahat nang cañon
na italatag mo sampo nang Escuadron.

Ibalic co naman sa cay Sigesmundo
pagdaca,i, nag-utos sa manga soldado
icao,i, maquimating Escañong catoto
sa aquing gagauin paglacad nang hucbo.

Dalauahin natin bacod nang armada
aco at ang Conde Algastro ang isa
Eduardo at sampo nang soldadong iba
magsisunod cayong sa aqui,i, sumama.

Inyong isaisip ó manga catoto
pacatandaan lahat ang bilin co
cun ating matanao ang tropa nang moro
lualuangan at saca tayo,i, magsitacbo.

Ang lahat nang iyo,i, sapilitan mandin
na susundan tayo niyong manga tacsil
Algastrong catoto iyong pagbutihin
na pag-ingatan mo ang cacasamahin.