Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/9

From Wikisource
This page has been validated.






SA BAYANG PILIPINAS



Sa pagca't lalastas co na ang pagbabangon ay isa lamang pagbabalili o pagiiba caya, ay quinusá cong yao'y siyang maguing dahil nang iyong ganap na pagbabagong buhay at pagba. balat cayó.

Sa bagay na ito'y idinulot co sa iyo ang tunay na sampong utos nang Dios, upang mataroc mo na ang bait, ang iyong sariling calooban ang nacaisaisang matibay at uagás na patungtungan nang pagaalaga sa iyong ugali, at gayon din naman ang casipagan ang siya lamang lalong matibay na haligui nang pagpapalaqui sa iyong calanan. Dahil dito'y mapagquiquilala mo na ang tunay na capurihan, ang uagás na camahalan ay di naquiquita sa dugó, cundi sa ugali nang taun na linalang sa hiuga nang bait at sa himas nang malinis na gaua.

Kinusa co rin namang iguhit doon ang si mulang mapagcucunan mo ang dapat asalin sa iyong bayan, na hindi pa na-aabot nang iyong