Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/60

From Wikisource
This page has been proofread.
-61-

116 —Ang mga Hocom na tagapamaguilan ang
magdadala ng Talaang bayan (Regis' ro civil) na
siyang pagtatandaan ng panganganac, pagcacasal
at pagcamatay, at sa mga capagalang ito ay maca-
sisingil ng camunting upa na pagcucunan nang
gagamitin at ibabayad sa Kagauad at iba pang
catulong sa Hucuman (Juzgado).

ICASIYAM NA CASAYSAYAN,—Tungcol sa

Lacàs ng Bayan (Fuerza militar.)

117. Sino mang mamamaya'y di macalatangui
sa pananandata cun siya'y cailanganin ayon sa
cautusan, nguni't di mapipilit ang alin man han-
gan may magcusang pumasoc.
Ang Kapisanan ang magpapasiya sa taon-laon
ng dami ng lacas sa dagat al catí na dapat inga-
tan sa cahusayan sa loob at capanatagan sa labas
ng República.

118. Magtatayo ng mga aralan sa pananandata
ayon sa mga houarang lalong mabuti na maquila
sa iba't ibang lupa, na pagtuluruan ng lahat nang
paraan sa paquíquídigma sa dagat at cati, at pi-
pilitin na ang pangcat ng mga caual ay matuto
ng mga bagay na nasasaelao ng simulang aral
(instrucción elemental).

Ang sino mang maghangad mula sa pangcat-
ng mga caual hangan sa bailang ng Sargento ay
pahihintulutan sa panahong payapa na macapasoc
sa mga aralan sa pananandata, upang macaaquiat
sa pangcat ng mga Puno (clase de Jefes).
Ang pagtaas ay manununton lamang sa calagalan
o sa malaquing paglilincod na napaglinao at natu-
mayan sa pamamag-itan ng isang hatulan.

119.-Ibahanay ng Kapisanan sa pamamagitan ng