- —44—
bubucodbucód sa dalawang pucló na siyang mag-
hahalili baua'ticalauang taon sa Sanguniang bayan.
67. —Ang mga catungculang ito ay nagbibigay
puri, nĝuni't ualang upa; gayon may ang mga
Kasanguni ay di magbabayad ng ano mang am-
bagan sa canicanilang capanahunan.
68.—Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang
Punong cabayanan ua siyang Presidenté, ang Pu-
nong bayan sa loob ng cabayanan na siyang Pa-
ngalauang Presidente, ang mga casanguning di-
natnan ng capanahunan sa cabilugan ng mga ca-
tiuala at ang Kagauad ng Pamunoang cabayanan;
ngunit ito'y di macapagbibibig ni macabobotos
sa mga pagpupulong.
Ang Pangalauang Presidente ang hahalang sa
Presidente sa boong capangyarihan nito.
69. —Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Pu-
nong bayan na siyang Presidente, ang Pangulo
sa loob nang bayan na siyang Pangalawang Pre-
sidente, ang iba pang manga Pangulo at ang mga
Kasanguning dinatnan nang capanahunan sa ca-
bilugan nang mga matanda at ang Kagauad sa
Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di
rin macabobotos.
Ang Pangalawang Presidente ang siyang haha-
lang sa Presidente sa dalawang catungculan nito na
Presidente ng Sangunian at Punong bayan.
70. —Tutungculin nitong mga Sangunian ang pag-
papasiglá sa pagtuturo at pagaaral at gayon din
ang pagpapasulong sa gaua sa lupa, paghahayop
gauang camay at pangangalacal, at cucupcupin ang
mga nacacatuclas ng mga mabubuti at malalacas
na paraan: gumaua ng Tandaan ng mga tauo at
mga usap (Censo y Estadistica) at ng yaman (Ca-
tastro) para ng landaan ng mga lupain, bahay at
hayop at iba pang pag aari; at manĝalaga sa mahu-