Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/32

From Wikisource
This page has been proofread.
—33—

37. —Ang pulong ay panguğunahan ng Punong
cabayanan sa bahay na itinalaga nito. at gagauin
itong manĝa paghahandá: ipaquiquita ng baua‘t
catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhu-
gutin sa nangagcacapisan ang pagcacaisahan nang
marami na tatlong taga pagsiyasat at isang Kaga-
uad na siyang magnonoynoy sa mga saling ini-
harap, at ng tatlong sugo na magsisiyasat sa salin
nitong apat na nahugot; at bago babasahin ang
manga Pangcas nitong Panucala na nagsasabi ng
paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pag-
naipagpauna ng Puno ang nabibilin sa unang
pangcat ng núm. 34 ay ipababasa ng malacas ang
pinagcatoosan ng manga tagapagsiyasal at Kagauad
gayon din eng sa manga sugó, at ang pasiyahin
ng caramihan sa manga bating ipacli sa manga
salin ó catiuala ay siyang susundin ng ualang
tutol sa pangyayaring yaon lamang,

Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasa-
sabi sa icalawang pangcat nang naturang número
34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin

pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal
nang manga Tagatayo sa paraang sinasaysay nang
icapat na pangcat nang naulit na número.

Ĉun matapus na ang paghahalal ay tutuusin nang
Puno pati nang manga tagapagsiyasat at nang ca-
gauad ang manga botos at mahahalal ang maca-
licom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang
macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang
muli ang manga nagcaroon nang lalong maraming
botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.

At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang ca-
sulatan at pagcayari babasahin nang malacas at
pag napalagay ang manga bating itutol ay pipilma
ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong

3