Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/30

From Wikisource
This page has been proofread.
—31—


sipag caya't ang macapag sanla nitong tatlong hiyas.
ang siya lamang dapat macahiram ng pananalig ng
bayan.

Isusunod dito ang paghahalal ng dalawang taga
pagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang
isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang
mag tititic sa casulatan ng lahat na mangyari sa
pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo al huhu-
gutin ng mga caharap sa canila ring nangagcaca-
pisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tri-
bunal nang paghahalal.

Saca itatanong ng Puno sa mga caharap cun may
ibig mag saysay ng pagsusuhulan sa paglicom
ng botos, at cun mayroon ay sa oras ding yao'y
palalaguian ng ganap na caliuanagan at catotohanan,
ua hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa.
Čun totoo ang hablá ay aalisan ng capangyarihang
macapag halal at mahalal naman ang sino pamul-
pugan ng casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino
mang mag bangon ng paratang; at ang maguing
hatol dito ay di mababago nino man.

Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinata-
glay na carapatan nang alin man sa manga ca-
harap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang
lalong nalouid ai sa maihatol sa oras ding yaon
ay ualang macasasalangsang at macasusuay.

Pagtutuluyan ang pagpili sa manga matandá ó
catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isa-isá
sa Tribunal, nangunguna ang manga marunong
bumasa at sumulat at sasambitin ang pangalan
nang manga tauong napipili na isusulat nang ca-
gauad sa harap nang napili sa isang talaang na-
tatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa
ay macapagsasama nang isang marunong sa manga
caharap, upang maquilala niya na ang pangalang
caniyang sinambit ang siyang isinulat. Dito at sa