Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/11

From Wikisource
This page has been validated.


— II —


sa daan nang magaling at nang catouiran; bago co ibubucas ang pintó nang pamamahala sa bayan sa maga marurunong, nang canilang usiguin at lipulin nang walang saua at humpay ang masamang gaui na binanguil co sa itaas, upang ang manga quilos neng naturang pamamahalá ay sumunod sa atas nong bait, maquisama sa gauang magaling at mungo lamang sa catuuiran luloy namarg aanyayahan nang pacundangan ang menga tumutulong nang lalong malaqui sa inanga dadalhin ang bayan, nang pagtatangquilic nang lahat na gumagana nang magaling at nang pitagan ang manga babaying may puri; at catapustapusa'y sa capupunan nang lahat nang ilo ay unla acong quiquilingan at uala namang cacahiguin sa pamamahaguí nang manga paquinabang at dadalhin su bayan, upang maitayo co ang casamahan nang manga tauong mahal, hindi sa dugć at hindi rin sa mauĝa carangalang paquitang lauo, cundi sa puso at tunay na carapatan nang laual isa.

Naquita mo na't itong pacay ay mahirap at malaqui; ngunit sa iyo aco umaasa, palibhasa'y icao ay malaqui rin at malacas pa.

Nauclan ca nang manga anac na daquila at hindi mapapalitán, nguni't walang cailunĝam: gumaua tayo at umasa at ang Dios ay lalong ma laqui sa lahat.

Mayo nang 1898.