Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/95

From Wikisource
This page has been proofread.


Iya'y isang kalapastanganan, kabalighuan at kabaliwan! Ipata-
lastas mo sa kanilang Ako ang lahat, at maliban sa akin ay wala
nang iba pa, at walang maaaring mabuhay kung hindi ko ni-
loloob at pinahihintulutan. Wala Akong kaaway at hindi maaaring
magkaroon; walang makapapantay sa akin, at walang sinumang
makasasalansang sa aking kalooban! Ipamukha mo sa kanila, na
ang kanilang mga kaaway ay hindi ko kaaway, na kailan man ay
hindi ako nakiisa sa kanila at ang kanilang ginagawi ay walang
kabuluhan, kundi kahangalan at kalapastanganan. Ipabatid mo
sa kanila na pinatatawad ko ang kamalian, datapuwa't pinaruru-
sahan ko ang kasamaan; nililimot ko ang isang pagkukulang sa
akin, nguni't pinag-uusig ko ang pagduhagi sa isang kulang-palad,
palibhasa Ako'y makapangyarihang walang hanggan, at ang la-
hat ng kalapastanganan ng tanang naninirahan sa buong daigdig,
kahit na pag-iba-ibayuhin nang libu-libo ay hindi makapipinsala
kahit na katiting sa aking kaluwalhatian; datapuwa't ang kaliit-
liitang pagduhagi sa maralita at sa inaapi ay aking parurusahan,
sapagka't wala akong nilalang na anuman, wala akong binuhay na
alinman upang maging sawimpalad at maging laruan ng kanilang
mga kapatid. Ako ang Ama ng tanang bagay-bagay na nasa sang-
maliwanag. Nababatid ko ang hanggahan ng bawa't pinakamiliit
na bagay. Bayaan nilang mahalin ko ang aking mga nilikha, na
ang kaabaan at mga pangangailangan ay nalalaman ko. Bawa't
isa sa kanila'y nararapat tumupad sa kani-kanyang tungkulin at
Ako, ang butihing Diyos, ay nakaaalam kung ano ang aking ga-
gawin!"

Ganyan ang pangungusap ng Makapangyarihan sa lahat, at
ako'y naparito upang sundin ang kanyang kalooban. At sinasabi
ko sa inyo:

"Ang mga kaabaan ng sawimpalad na indiyo na inyong pinag-
hirap at pinakitunguhang para bagang sila'y mga hayop, ay naka-
rating hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan. Nakarating doon
ang napakaraming pag-iisip na pinapagdilim ninyo at niluray, ang
maraming malilinis na babaing inyong ginahasa. Nakarating doon.
ang sigaw ng napakaraming ipinatapon, pinahirapan at pinatay
dahil sa inyong pag-uudyok. Nakaabot na roon ang mga luha ng
napakaraming ina, ang kasawiang-palad ng napakaraming ulila,
Lahat nang mga yaon ay may kasamang alingasngas ng inyong
mahalay na pagsasaya.

Alamin ninyo na may isang Diyos. (Marahil ay pinag-aalinla-
nganan ninyo ito at kung sinasambit man ninyo ang ngalan ng Diyos

86