upang isabong sa mga tandang ng mga pinsan ko (ang mga tandang ay tinatarian namin ng tinik ng suha) ay lagi nang natatalo
at tumatakbo sa isang paraang kahiya-hiya. Kaya binalak kong siyasatin kung ano ang nangyayari sa aming mga hayoo at ninais
kong kasangkapanin ang biyayang tinataglay ko na makaunawa ng
wika ng mga hayop, biyayang inilingid ko sa lahat ng tao sa takot
na baka ako’y abalahin nila, at hindi ko nilinang gaya rin ng maraming ibang kakayahang ipinagkaloob sa akin ng Diyos nang ako’y
isilang sa kaarawan ni San Salomon, nang ika-12 ganap ng hating-gabi at kabilugan ng buwan,
Kaya isang magandang tanghali, isa sa mga tanghaling nakalalamuyot sa pagtulog o sa paninimbang sa isang duyang nakabitin sa mga sanga ng punong-kahoy, samantalang ang lahat ay nagpapahinga, ay tumungo ako sa aming bakuran, umakyat ako sa isang puno ng makupa, umupo sa isang sanga at humandang makinig ng usapan ng mga hayop. Sa malapit, nakahilata sa alikabok o sa lusak ng isang pusalian ay may ilang baboy, na ang ilan ay natutulog at ang ilan ay nag-aantok; sa dako pa roon nang bahagya sa ilalim ng isang puno ng kape at nakatapak sa ibabaw ng isang pilong basag ay nagpapahingang nag-aantok ang mga pabo, bibi at gansa, samantalang payao’t ditong walang imik at malungkot ang ilang inahin, sisiw at tandang, na nag-iingat nang gayon na lamang na huwag mapalapit sa pulutong ng mga baboy.
Sang-ayon sa aking namatyagan at naunawaan sa ilang anasan at kilos ‘ng mga tuka ng mga hayop na may pakpak, ang mga hayop namin ay namumuhay, sa ganang kanila, katulad ng pamumuhay ng mga mabubuting kristiyano at mga taong may mabubuting kalooban sa lupa; sila’y may sariling mga pulis, may paghihinalaan, pagsusumbungan, paggagambalaan, pagsusuplungan, paninirang-puri panggagahasa, bulung-bulungan, daing, pagbabala, bilangguan, bibitayan, kanyon, batas, kumpisalan, pangaralan, guwardiya sibil, karabinero at marami pang iba; naghahari ang lalong ganap na kaayusan at lalong maalindog na pagkakapatiran, liban sa ganito o gayong ngalngal ng isang baboy, ang ganito 0 gayong away, tukaan at iba pas Sa kanila ay nalalagay sa kauna-unahang antas bilang mga nilalang na karapat-dapat sa tanang uri ng paggalang, ang mga baboy: una, sapagka’t napakatataba at ang katabaan ay lagi nang naging katangian ng mabuting kalagayan; ikalawa, sapagka’t
3 Ito’y isang makinis na panunudyo o panunuya laban sa kaayusan ng bayan.
67