katagpo sa kanila sa alangaang, ako'y nahabag na ipahamak sila,
ang kanilang mga araw at kaligayahan dahil sa pag-ibig ko sa sa..
rili. Sila'y lumipad na nagpapahayag marahil ng kanilang pag-ibig.
Sa malabis na pagtingin sa sariling kagalingan, ay tinugis ko sila, at sa loob ng ilang sandali ay nahuli ko ang isa. Ang puso ko'y sumikdo sa tuwa, gayunma'y nagpatuloy ako ng pagtugis sa ikalawa; hindi nagtagal ay nahulog din ito sa aking mga kamay.
Ang nagtamo sa mga palarong olimpiko ng walang-kamatayang laurel at umuwing lulan ng isang lumalangitngit na karwahe sa kanyang tinubuang bayang naghihintay sa kanya, ay hindi hihigit sa kasayahan ko na may taglay na dalawang sawing walang kasalanan. Binabalangkas ko kung ano ang aking sasabihin at inihahanda ang mga magigilas na pangungusap. Namatyagan ko si- yang nagpipilit na bumiyak ng isang buko. Walang pag-aalinlangang ako'y napansin niya sa dahilang ibinaling ang mukha sa akin. Nang makita niya ang dalawang paruparong maingat kong hawak sa dalawang kamay, ay napasigaw nang bahagya, nginitian. akong puno ng pasasalamat at tumindig.
Lahat ng binalak kong sasabihin sa kanya'y nalimutan ko at wala akong nasabi kundi ang sumusunod:
— Binibini — aniko sa wikang Tagalog. — Kayo'y makahuhuli na sana ng isang paruparong matagal na ninyong tinutugis; isang kahangalan ko ang umagaw sa inyo ng gayong katuwaan. Kung mamarapatin ninyong tanggapin ang mga paruparong iniaalay ko sa inyo, kayo'y makagagawa ng isang dakilang biyaya sa akin. Tanggapin ninyo ang mga ito, na bagama't hindi lubhang maririkit ay dalawa naman.
— O, lalo pa ngang maririkit ang mga ito — anya at kinuha ang mga paruparo't kanyang sinuri — kayo'y pinasasalamatan ko nang marami sa pagpapagod na inyong ginawa ... Dinaramdam kong tinotoo pala ninyo ang isang nakahumalingan ng isang batang babae at ako'y magpapasalamat pa sana sa inyo dahil sa ako'y sinansala ninyo sa paggawa ng isang kalupitan, at maniniwala na sana, na ako'y inyong pinatawad. Nguni't — tuloy niyang nagbago ng himig at nakangiti nang bahagya — napapansin kong kayo'y sanay manghuli.
59