laklak-parang, sa pagkarinig sa kanilang nakababagot at nakapagkakasakit na huni ng lugod at awit ng kagalakan, ng kagalakang marahil ay sanhi sa kaiklian ng kanilang buhay, ang
tao'y maaaring magkaroon tuloy ng matuwid na sila'y kainggitan
kung ang tao'y walang ibang layon.
Sa gayon ako naligo at sumalunga sa agos ng batis. Nakararamdam na ako ng pagkapagod nang sumapit sa aking mga pandinig ang isang sariwa't matinis na tinig na humuhuni ng isang masayang awit. Ang liko ng batis sa dakong yao'y mabagsik, bagay na sa aki'y nag-udyok na magpalagay na ang umaawit ay lubhang malapit. Sa nais kong siya'y makilala ay ipinagpatuloy ko ang pamamasyal sa tubig at anong kasiyahang pagkamangha ang noo'y natambad sa aking mga mata.
Siya'y isang dalagitang sa malas ay may labing-apat hanggang labing-anim na Abril, maputi ang kulay, balangkinitan para sa kanyang gulang, nakalugay ang maitim na buhok na umaabot halos sa kanyang sakong. Ang suot niya'y isang pulang saya na nakapulupot sa ibaba ng balikat. Isang tapis na itim na nasa-ibabaw ng saya ang siyang lalong nagpapalitaw ng hubog ng kanyang katawang-dalaga; isang puting tuwalyang mahimulmol ang nakabalabal at nagtatago ng kanyang bilugang balikat. Ang kabataan, iyang katha-kathang kaibigan ng babae't ng pag-ibig, ay nagdudulot sa kanya ng di-madalumat na panghalina.
Sa malas ay tinutugis niya ang isang paruparo.
Sa layong ilang hakbang sa kanya ay may isang matandang babaing may pitumpung taon ang gulang na nagpapabula ng gugo sa isang palanggana. Sa paligid niya'y may isang buslo ng bungang-kahoy, mga damit, at iba pa.
Dahil sa ingay ng aking paglakad ay kapuwa sila napalingon sa akin: ang matanda'y parang nagtatanong at nagtataka, ang dalaga'y nagitla't namumula. Ang una'y nagpatuloy ng kanyang ginagawa at ang huli'y tumigil ng pag-awit. Nagpugay ako sa kanila nang kimi at pipi. Malamig na tinugon ako ng matanda at magiliw naman ang dalaga. Nang mapansin ng dalagang walang katagang namumulas sa aking mga labi. siva'y nagpatulov sa nag- huli sa paruparo.
56