7. - KAUGALIANG PILIPINO*
ISANG ALAALA
May isang lunan sa malapad na kalawakang kinamamasdan ng araw, ng maririkit na panginorin, mga dagat, lupalop, pulo, batung-buhay, yungib, ibon, bukal, at bulaklak; sa isang kataga'y ang sandaigdigang nakangiti, malaki, masigla at dakila. Ang limbas ay tumatawid sa maraming magagandang pook at humahamon sa pagngangalit ng dagat na katulad ng isang napakalaking libingan o kaya'y ng isang dambuhalang may sanlibong bunganga, na nakangangang nag-aabang ng kanyang masisila. Ang mga abang ibong maliliit ay tumatalikod sa gayong maririlag na tanawin at nasisiyahan na sa mga kagubatang malililim at nagpapalipat-lipat sa mga sanga at mga bulaklak sa paligid ng kanilang mga pugad sa kaparangan.
Hayo, kung gayon, ibong may malakas na lipad upang pumailanglang sa matataas at bilog na mga alangaang ng langit at ng liwanag; kami'y nasisiyahan na sa pagpapasyal sa mga parang ng kamusmusan at ng kabataan at sa pagtawag sa mga mahal na anino ng nakaraan: ang mga alaala. Oo, tatawagan namin ang mga alaala; tatawagan namin ang mga nilikhang naiidlip doon sa malungkot na guhit-sudlungan ng alaala, nababalot ng mahiwagang kayong manipis ng panahong nagpaparami ng mga kagandahan at nagpapaunti ng mga kapintasan, at parang isang kadiyusang masakim at mapanibughuin, inuudyukan niyang kapootan natin ang kasalukuyan upang walang pakalunggatiin kundi ang nakalipas; tatawagan namin yaong mga nilikhang may kalikasang pampapawirin, pagbibigay-anyo sa bagay na di-maliwanag, matamis at maramdamin na katulad ng mga sirena2 ng dagat-dagatan at ng mga "silpide"s ng hangin, na sumisilang at dumarami habang dumarami ang mga taon natin, mga pagbabagung-anyo marahil ng
* Ito'y salin sa tagalog ng artikulong "Las Costumbres Filipinas — Un Recuerdo". Hindi nalathala sa alin mang pahayagan, at hindi tapos. Ayon kay Mariano Ponce, iyon ay sinulat marahil sa Madrid. Hindi alam kung kailan. Marahil daw ay sa pagitan ng mga taong 1884-1886. — Vida y Escritos del Dr. Jose Rizal.
1 Guhit-sudlungan — horizon.
2 Ito ang ipinalalagay na nimpa o malina sa dagat. Sinasabing sa dagat ay may tumitirang isang uri ng lamandagat na ang mukha at katawan mula sa baywang-paitaas ay mukhang babae, at mula naman sa baywang-paibaba ay mukhang isda.
3 Silfide — (sylph) katumbas ng nimfa o malina sa lupa; isang batang dalaga, payat at marikit.
51