ng kaalamang maaaring makamit ng nakakakilala, sa pamamagitan
ng mga lathalain ng mga pahayagan, ng mga opera ni Meyerber
o Rossini. Maaaring makitang nakaukit o nakalarawan ang isang
buong lupain, at ang pagkakakilala ng naglarawan sa lupaing iyon
ay maaaring napakaliwanag na naari niyang ilipat sa kayo ang
isang silahis ng araw ng lupain, ang kalamigan ng kanyang lang, ang kasariwaan ng kanyang mga parang, ang kamaharlikaan
ng kanyang mga masaganang daloy ng tubig at mga bulubundukin, ang mga mamamayan at mga hayop at sampung paggalaw
na ikinikintal sa damo ng magaang na paghampas ng pakpak ng
hanging banayad at palay-palay ang lahat nang ito'y pawang
maisasagawa ng pinsel ng isang tagapaglarawan ng mga bansa,
gaya nina Claudio Lorena, Ruysdael, o Calame at maaaring higit
pa sa riyan marahil, datapuwa't hindi maaaring agawin sa kalikasan at ilipat sa kayo yaong buhay na pagkikintal sa alaala na
siya lamang ang nakaaalam at maaaring magoigay, yaong paggalaw,
yaong bunay na nasusumpungan sa awit ng mga ibon at mga
punung-kahoy, sa halimuyak o bangong sarili ng pook, sa aywan
ko ba kung anong hindi maaaring maipaliwanag na nadarama
nguni't hindi natitiyak ng manlalakbay at tila gumigising ng mga
matatandang gunita ng mga maalindog na araw, mga kalungkutan,
mga katuwaang nagsiyao upang hindi na magbalik; isang pag-ibig na nalimot, isang larawang minahal sa kanyang kabataang
pumanaw sa gitna ng ipu-ipo ng daigdig, mga nalikhang nagsiyao
na, mga kakilala . . . aywan ko ba kung ano pa! Mga damdaming malulungkot na nilikha ng anyo, pagmumukha o singaw
ng bansa o kaya'y ng wani, nimpa o Diyos, gaya ng sinasabi ng
matatanda. Maaari ninyong makita sa larawan na sinasalpok ng
dagat, halimbawa, ang baybayin ng Italya nang isang hapong sakdal ganda, kapag ginigintuan ng mga nakahahalinang silahis ng
araw ang mapuputing dampang nakatayo sa mga batong nababalot ng mga luntia't kulay esmeraldang putong na mga bulaklak;
ang tubig at bulang sumasalpok sa mga nakakubling sinapupunan
ng mga batong malalaki, kaakibat ng nadaramang katotohanang
kapanga-pangarap ng mga pook na yaon, kung maaaring gamitin
ang ganitong pangungusap; datapuwa't hindi ninyo napapansin at
panghihinayangan ninyo ang kawalan ng halimuyak, ng buhay,
ng galaw, ng kadakilaan; hindi ninyo mahahagap ang buong panghalina ng mga itinanging bagay na yaon, na ginawang walang
kamatayan ng napakaraming makata, hindi ninyo malilibot ng tingin ang panooring yaong nakatawa't matulain, gaya ng pagkakatawa buhat sa isang sasakyang-dagat ng isang taong magiliw na.
28