Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/159

From Wikisource
This page has been proofread.

— Sa mga pali lin! Lahat-lahat ito sa pali — ang isinagot ng taong nagkukumpas at itinuro ang maraming lansangan. — Mga pali malaming bahay lito sa laang ito, sa laang yan at sa iba pang laang,

— Aha! aha! kung gayo’y maraming dominiko rito. — Hini, dalawa lang.

— Dalawa lamang? At sinu-sino ang tumitira sa mga bahay na iyan?

— Mga insik.

— Ang mga insik?, mga kristiyano sila, hindi ba?

— Hini!

— Paano? ang mga insik na hindi binyagan ay nakatira sa mga bahay na ipinatayo ng mga katolikong dominiko?

— Oo, insik mayad-mayad mabuti sa mga paling dominiko, malaming pela at malaming milyon sa mga bangko at aksiyong...

—At paano sila naging napakayaman? Masipag ba sila sa page gawa, nagbubungkal ba sila ng bukid? Sila ba’y nag-aabala sa industriya?

— Hinil — At saan sila kumuha ng napakaraming salapi upang makakapagpatayo ng napakaraming bahay?

— Sa Pilipinas. Migay-migay sa kanila ang mga indiyo ng malaming salapi!

— Kung gayo’y ang mga indiyo sa Pilipinas ay napakayayaman?

— Hini, tatoo pulubi! Tila sila sa mga maliit na kubo.

— Pulubi, kung gayo’y hindi ko nauunawaan! At ang mga Dominiko’y nagpapatayo ng mga bahay para sa mga insik na hindi binyagan sa pamamagitan ng salapi ng Pilipinas, samantalang sa Pilipinas ang mga kristiyano’y nakatira sa mga abang kubo.

— Oo.

150