Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/147

From Wikisource
This page has been proofread.


makapag-anasan ng ilang pangungusap, ang mga matatanda’y naglagay ng salamin sa mata upang lalong makakita, at ang mga arkanghel, kerubin at serapin na hindi maaaring makalimot sa kanilang kadakilaa’y nagsisikuhan at nag-uubuhan.

Kapagkaraka’y lumakad ang isang hanay na ang mahabang dulo’y nawawala sa kalayuan, at sa bawa’t sandali’y nararagdagan. Nasa unahan ang lalong mga tanyag, ang lalong matatanda’y ayaw makihalo sa mga binata,

Ipinakilala ni San Juan Evangelista ang kauna-unahan at inisaisa ang mga karapatan at mga katangian nito. Siya’y isang taga-Espanya, matigas ang ‘balbas nguni’t lalo pang matigas ang tingin. Siya’y namatay sa Pilipinas sa sakit na iti.

— Ang kamahal-mahalang Ginoong Policarpio Rodriguez Mendes de la Villaencina, dakilang pantas sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa mga pilipino, nakakikilala sa buong bansa, at ayon sa kanya’y nakapaglakbay sa lahat ng pulo, nakaunawang lubos sa indiyo at nakaaalam kung bakit, paano at sa anong paraan hindi umuunlad ang Sangkapuluang Pilipinas!

—A la bonne — heure! Magaling! ang sigaw ng Diyos Amang ibinuka ang mga bisig, — hala, magsalita kayo; kami’y liwanagan ninyo, kamj’y pukawin ninyo!

Ang buong kalangita’y tumahimik at pati ng mga malilikot na anghel at mga walang bait na birhen ay nagsitigil ng sical datan at pagngingitian.

Si Ginoong Policarpio at iba pa ay umubo nang makalawa o makaitlo, lumingus-lingos sa kaliwa’t kanan nang may malaking pagpalibhasa, lumura’t ibinuga nang napakalakas ang laway sa kalagitnaan pa naman ng inahit na tuktok ni Santo Domingo. Hindi man lamang humingi ng paumanhin ay muling umubo at nagsimula ng pagsasalita sa isang tinig na gumagaralgal:

— Tantuin ninyo, alamin ninyong nakikilala kong mabuti ang bansa at nagkaroon ako ng isang karanasan na ... naku! Kayong lahat na naririto’y mananaghili at nanasain ninyong nagkaroon sana ng gayon; at hindi ko sinasaklaw ang Inyong Maharlikang Kadiyusan...na.. . nakauunawa.na sa sinasabi ko. Kaya nga, huwag

138