This page has been validated.
- daigdig. Ang tatlong bagay na nasabi ay magkakasinghalaga, at ang makilalang higit ang pagkalinang sa panitikan at sa mga katangian ng puso't damdamin ay siyang magkakamit ng mga nasabing kahanga-hangang hiyas. Ipakilala nga ninyo sa akin ang taong-lupa na sang-ayon sa inyong pasiya ay siyangkarapat-dapat na magtamo ng mga nasabing gantimpala.
JUNO 19 (Titindig nang buong kapalaluan at pagmamataas). Jupiter, ipahintulot mong ako ang maunang magsalita, yamang ako ang asawa mo at ina ng mga diyoses na lalong makapangyarihan. Maliban sa akin ay wala nang makapaghaharap sa iyo ng isang taong taga-lupa na higit ang kaganapan at kadakilaan kaysa malabathalang si Homero.20 At ang totoo'y sino ba ang mangangahas na umagaw ng kanyang kalakhan, gayon
din ng kadakilaan ng kanyang Iliadang21 matapang at pangahas, at ng kanyang mahunos-dili at maingat na Odisea?22 Sino ang katulad niyang nakaawit ng iyong mga kadakilaan at ng sa ibang mga diyoses, nang buong inam at talino, na para bagang tayo'y nasubukang lahat sa Olimpo, sa pagdalo sa ating mga kapulungan? Sino ang nakatulong nang higit kaninuman upang ang mabangong kamanyang sa Arabya ay sunugin nang walang panghihinayang sa harap ng ating mga larawan, upang ihandog sa atin ang maraming sakripisiyo, na ang masamyong usok, ay pumapailanlang na animo'y nag-uuli-uli, na siya naman nating minamasarap at nakapagpapahupa ng ating mga kapootan? Sino ang gaya niyang nakapagsaysay at nakapagsiwalat ng mga kagila-gilalas na paghahamok sa pamamagitan ng magagandang tula? Siya ang umawit sa mga kadiyusan, sa karunungan, sa katiningan, sa katapangan, sa kabayanihan at sa kasawian, na tinahak ang lahat ng taginting ng kanyang lira. Siya ang nararapat bigyan ng gantimpala; sapagka't naniniwala ako, gayon din ang buong Olimpo, na higit sa kanya ay wala nang sinumang karapat-dapat magtamo ng ating pagkalugod.
19 Sa kabila ng mga palagay ng iba, si Juno man ay asawa rin ni Jupiter na gaya ni Memosina; talagang si Jupiter ay isang diyus-diyusang maraming babaing kasuyo.
20 Pinakapaham at bantog na makatang griego - taga-Gresya - na ang pangalan ay Homero. Namuhay ng mga limang daang taon bago sumilang si Kristo, at siyang may-akda ng dalawang aklat na pinamagatang Iliada at Odisea. Siya'y nabulag, nguni't patuloy ng pagtula hanggang mamatay.
21 Iliada, isa sa dalawang aklat ni Homero.
22 Odisea, ito ang ikalawang aklat ni Homero rin.
5