Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/127

From Wikisource
This page has been proofread.

Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ang kura. Kung biglang mag-itim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batis at magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot? Sa mga taga Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis, masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa rito’y ama pa ng kaluluwa.

Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol. Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin ang lahat. Kaya nga’t sa tribunal, makatapos ang misa’y walang ibang pinagusapan at pinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtalo man at maghimutukan ay’ wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukat masabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagka’t nabalitang nasampal si aleng Anday ay wala mandin silang...










118