Nguni’t kung sasalugsugin ang loob ng lahat ng araw ng linggong yaong, linggo de Pasyon, at itatanong sa marami kung ano kaya baga ang ipinagdudumali, kung ang takot na mainis at makuluom sa loob, o ang masarap kayang simoy ng hanging humihihip sa labas at gumagalaw sa madlang halaman at bulaklak sa patyo, ay marahil ay may iba pang masasabi. Sa mata ng lahat sa mga tinginan at kindatan pa sa loob ay mababasa ang isang lihim na pag-uusisa:
— Napaano kaya ang dating kura? — ang tanong na hindi mapigil ng isang matandang manang na ungab at hupyak ang pisngi, sa isang katabing kapuwa manang.
At nang matakpan ang kanyang pag-uusisa sa loob pa ng simbahan, ang matandang manang ay ga~kumurus-kurus na at nagsusmaryosep!
— Hindi man kami sinubuan ng pakinabang . . . Napaano po kaya?
— Napaano nga po kaya? Nagmisa nga po nang padabog, a} — ang sagot naman ng tinanong na isang manang na mataba na kumukurus-kurus din naman, bumiling pa, humarap pa sa altar at gayumukod pa nang kaunti. — Kulang na po lamang ipaghagisan ang mga kandila, a! Susmaryosep!
— Siguro po’y gutom na! — ang sabat naman ng isang napalapit na babaing mahusay ang bihis. — Tingnan nga po ninyo’t hindi man lamang binendisyonan ang anak ng aking alila aba! Di sa linggo pong darating ay iuutang na naman sa akir ng ibabayad! Ikako’y hari na ngang maalisan ng empakto. Aba! Empaktado po! Marami na pong nababasag! Ako nga’y madali; ayoko nga po nang hindi binebendisyonang lahat!
Ganito ang salitaan hanggang makalabas sila sa pintuan. Doon naman nagkakatipon ang mga lalaki sa pag-aabang ng mga dalagang nagsisilabas. Doon ang pulong-pulungan, doon nagmamasid at napamamasid, ang aglahian, tuksuhan at salitaan bagay sa mga nangyayari. Datapuwa’t nang araw na iyon, ang hantunzan ng salitaa’y hindi ang magagandang dalaga, hindi ang panahon at ang init kundi ang pagmamadali ng kura habang nagmimisa. Bahagya nang napuna ang paglabas ni Marcela, dalagang pangulo sa bayan, anak ni Kapitang Lucas, na nagbabaras ng mga araw na yaon. Ang Marcelang ito’y bagong kagagaling sa Maynila, sapagka’t namatay ang aling nagpalaki, kapatid ng kanyang ama. Kaya nga luksa ang kanyang damit sapul sa panyong talukbong sa ulo hang-
110