— Datapuwa’t, sa ngayon ay dapat mong sikaping magkaloob ang pamahalaan ng mga kurus, mga asyenda, at mga tungkulin sa ating mga kaaway .. .
— At kung sandatahan po nila ang isang paghihimagsik, at sabihin nilang tayo ang may gawa niyaon, sapagka’t tayo’y mga bistirupelo?
Katahimikan.
— Ano po ang sasabihin ko tungkol sa bistirupelismo? — ang tanong ni Salvadorsito.
Katahimikan, — Pari Probinsiyal? Ano po ang tungkol sa bistirupelismo?
— A! ang bistirwpelismo? — ang sa wakas ay isinagot ng isang tinig. — Sabihin mo sa Ministro na wala ng bagay na iyan, datapuwa’t kung nais niyang magkaroon, ay sukat nang siya’y maniwalang mayroon at magkakaroon. Sabihin mo sa kanya na marami na tayong tiniis, tinitiis, at titiisin pa. Datapuwa’t palibhasa sa buhay na ito’y walang anumang bagay na walang katapusan ay magkakaroon din ng hangga balang araw, ang ating mga pagtitiis, at ang araw na iya’y dili iba kundi kung tayo’y mapapaniwala na ang pamahalaan ay kumakatig sa ating mga kaaway.
99