at gayon din sa kilay na pinakatanda ng kanilang
pagdaramdam.
Pagka pangulo ang namatay ay tumatahimik ang bayan ng malaon ó ilang araw ayon sa kalagayan ng namatay, at sa boong panahong ito ay walang maririnig na pukpukan ó kaingay man sa alin mang bahay. At ang mga tao sa pangpangin ay naglalagay ng pinagcacakilanlang tanda upang hugwa daanan ng anomang sasakyán na ang lumabág sa ugaling itó ay nagdaranas ng mabangis na parusa.
Ang namatay sa digma ay ipinagdiriwan ng di kawasa sa kanilang mga panaghoy at sa kanilang paghahandog ng mga hayin na lubhang ipinagsasayá.
Ang namatay na pinagliluhan sa digma ó sa capayapaan ay ipinagluluksa ng malaon at hindi ipinag-aalis ng luksa hangang di maigantí. Ang pagganting itó ay ginaganap sa mga pumatay, sa mga kaaway at sa mga taga ibang bayang di kaibigan.
Ang luksa naman ng mga babae na pinanganganláng moratales ay gaya rin ng sa mga lalaki; nguni't hindi nga lamang nangbibihag ó pumapatay man upang makakain ng canin, kundi nagsisisakay sa isang balangay (bangka) na nilululanan ng saganang pagkain, saka nagsasama ng anim na lalaki na isa ang namimiloto, isa ang sumasaguan at isa ang tumitikin at tatlo pang