Jump to content

Page:Dating Pilipinas (microform) (IA aqj5844.0001.001.umich.edu).pdf/96

From Wikisource
This page has been validated.


— 95 —

diriwan ng kasayahang ito ay naglalagay sa pintuan ng bahay ng isang pasong tubig upang mapaghugasan, ng isang banig na may tubig upang mabakas ang mga paa sa pagpasok; at sa dulang ay tinataanan ng pinakapangulong upuan ang namatay saka nagkakaina't naglalasingan na tuloy inaawit ang pamumuhay at kagalingan ng namatay, kung siya'y naging magaling na mangangaso o mamamalakaya o sa ibang bagay kaya.

Ang mga taga Bisaya naman ay karaniwang naglilibing sa mga yungib (1) ng mga bundok at ang tabi ng libingan ay hinahainan ng mga pagkain at sinisipingan ng kaban ng damit at kung lalaki ay sinisipingan ng mga kasakbatang ginagamit nila gaya ng sibat kalasag at ibp. tuloy pinababaunan ng mga kambing baboy usa at ibp. at kung sakaling naging matapang at mabuting mangdidigma, ay sinasamahan ng aliping may sakbat; kung sakaling magdaragat ang mga kasangkapan naman sa pagdaragat at sinasamahan kung minsan ng mga mangagaod at mga alipin (2) na

(1) Ang pag-iingat ng bangkay sa mga yungib at kung saan saana y ugali ng mga taga Egipto, dahil sa kapaniwalaan nila na habang ang bangkay ay hindi natutunaw at habang kalakip ng ba (o kaluluwa) at ng chu (o pag-iisip, ay boo ang pagkatao at hindi hinihiwalayan ng ka na espiritung nananahanan sa libingan at siyang sa tao ay "kumakalinga: nagpapanatili, nakapagpapalinis. nakapagpapa galing at nakapagpapasaya' at di umano'y isang espiritung laging kasamasama ng tao, at sa ganito'y pinakaiingatan ang bangkay at ipinipili ng mga mapagtataguan.

(2) Ani Colin ay nakita niya'ang paglilibing sa isang pangulo sa Bohol na sinamahan ng pitong pung alipin. Si P. Ohirino ay may binangit din sa kanyang aklat na ganito.